Teenage Years
Noong ako ay 13 gulang na ay nasa unang taon na ako ng high school. Medyo mahirap ang unang taon ko doon dahil napakalaki ng ekspektasyon sa akin (na sa ngayon ay tingin ay hindi patas, dahil bata pa ako noon). Lagi akong nasisisi ng aming adviser kapag may nangyayari sa klase. Sinubukan ko muli na ligawan ang aking unang girlfriend (kaklase ko pa rin siya) ngunit di na ito nagbunga. Nagkaroon ako ng bagong karelasyon na mas matanda sa akin. Di rin naman kami nagtagal. Tinanggap ko na noon na hindi talaga ako mahalin hahaah.
Noong ako ay 14 na taon, masasabi ko na pinaka- adventurous ako. Siguro ay dahil na rin sa curiosity, nakikipagkilala ako sa iba't-ibang babae at may minsan pa akong naging ka eyeball noon. Ngunit naging una pa rin sa akin ang aking pag-aaral kahit na hindi na ako masyadong masipag noon.
Oops, mali ka ng iniisip. Hindi ko siya naging girlfriend. Pero niligawan ko siya. Ngunit mas pinahalagahan niya ang aming pagkakaibigan. 50% lang ang success rate ko noon. Siguro na rin ay dahil maliit na ako noon dahil hindi na ako halos tumangkad.
Siya ang aking pinakapaboritong adviser. Siya ang aking pinakagabay noong ako ay nasa ikatlong taon. Tingin ko na pinakanadevelop ang aking pagkatao noong ako ay nasa third year. Mas naging responsable ako at mas pinahalagahan ang iba't-ibang bagay. Di naman ako naging rebelde noon. Ginawa ko ang aking makakaya para sa aming klase. :)
Sa wakas ay magtatapos na rin ako. Hindi man ito ang pinakagusto kong panahon ay may nakilala akong importanteng tao sa aking buhay. Siyempre, sabik na sabik na rin akong pumasok sa UP noon. Hindi naman sa pagmamayabang, pero kaunti lang talaga kaming nakapasok sa UP noon. At hindi pa ako kasama sa Top ten ng batch namin noon.